Thursday, January 14, 2010

Si Topet, We are siblings of poor


Si Topet hindi alintana ang naghihimutok na sikmura. Sa Likod ng McDo. "Ms. can I order 1 pagpag combo meaL for take out." walang tumutugon.. Sa dila dumapo ang bangaw. Nakasusulasok na amoy swak na swak sa bungangang tumatahol (ubo, ubo) parang asong nag-aapuhap ng tira-tirang buto. Kung tutuusin may "value meal" na nakalaan sa kanya. Hindi lang maapuhap dahil sa mga ungaz na nakapaligid sa kanya. Mga lintang humuhuthot unti unti sa tiyan ng tinubuang lupa.

Wednesday, January 13, 2010

Ode to the sad clown

by Christian Martin


Poor soul. A joker
With no purpose.
When will we be Happy?
Instead of wallowing,
You choose to laugh.
It seems we are siblings
In the similarities of sorrow.
But you're shielded by
Makeup; a mask.
And I don't know when
Ill break.
Dropped like a marionette.
Too many notches.
We aren't unbreakable,
Just Unlovable.
And the pain is unbearable.
Say it ain't so, sad jester.
When downfalls feel like death,
Just keep on smiling.
Fake it.
You're my favorite stage act.
Ridiculed, fake,
Made a fool, we look
The stupidest when
Contradictions prove fact.
Even though that
Crimson painted horizontal
Crescent points suggestively,
We both know what you're
Really Thinking.
They would've been a thousand
Black raindrops, placed so
Cleverly down your cheeks.
Rolling down like dew on the
Morning green blades.
Were it not for the others,
We could enjoy a frown,
A few regrets,
Some shallow sadness,
Rest in peace, still as dead.
But the face behind your
Happy disposition,
Nothing more than mine.
We are twins, more than that,
Clones. . .

I'm the clone of a
Sad clown.

Tuesday, January 5, 2010

Ismael

Naglalambing ang hangin sa gabing taimtim

Habang siya's nangungulila sa muling pagdating ng takipsilim.
Nangangarap na sa paglapat ng likod sa papag, ay sa panaginip may maangkin.
At kahit yugyugin ng ilang ulit, di bibitiw sa panandaliang aliw.

Makakatulog ng mahimbing na may ngiti sa kanyang labi. Oh kay sarap.

Kinabukasan. Sa pagsapit muli ng gabi. Mauulit namang muli.
Siya'y lulukuban ng kumot. Unan, dadalhin ang isipan sa kawalan.
Siya'y muling mangangarap na may kalampungang unan na kay harot.


Maiidlip. Hahagok. At siguradong mauulit ang pagkakandirit.

Hahagok ang katawang walang saplot. Balot ng kumot.
Nanginginig nuot ang lamig. susubukang hagkan ng bangungot.

Sa huli makakalimutan mag-antanda. At ang gunita tuluyang mawawala. Amen.


image©StevenStahlberg