Thursday, December 17, 2009

D.E.A.T.H (Deliver Earth's Angel To Heaven)


Nagpadarang sa init, may asupre ang langit.
Nagtampisaw sa batis, lunod sa likidong pumupulandit.
Undayang walang maliw, ungol na walang kagatol gatol.

Sibasib ang bibig ng neneng may lipistik.
Nagpalinlang sa espiritong gigil.
Panandaliang pag-ulos, unos ang hatid.

Sa estero.
Tila pusali.
Ang paghuhugas kamay.

Sang kapirasong laman na inalisan ng karapatan.

Tuesday, December 15, 2009

Simbang Gabi


Bintana'y ating buksan at salubungin ang halik ng sariwang hangin.
Unahan ang manok sa pagtilaok upang biyaya'y iyong masandok.

Mga paa ay ihakbang,
kaliwa, kanan, kaliwa patungo sa bahay ng ama ng sanlibutan.

Pakinggan ang maligayang kaganapan noon sa sabsaban.
At siguraduhing wag na wag iidlip ng ika'y hindi maipit.

Sa isang oras na iyong inilaan.
Ikaw ay pagpapalain.

Mainit-init pang puto bumbong at bibingka,
ay iyong matitikman. . .

Oracle


There are four pillars who still stand tall.
What you didn't know at the depth of the inner core.
Where Pandora's Box lies, to my surprised even before.

Tejinashi who wear ijiwaru angel scent,
embellish imbecile.

Just wait for amelioration.
Soon you'll know.



_____________________________
Magician to spectator. (Patter)

"The secret card is always wrong but since I am a Magus.. I can fix these.. NOW WATCH!" -Wilson Cendana

imageBYgraffiti.org

Monday, December 14, 2009

Detour (biyaheng langit)

Masukal ang bahaging iyon ngunit mantakin ko mang isipin, talagang kay sarap bagtasin.
Di iilang ulit ko nang tinahak ang baybaying ganoon.
Ngunit sa pagkakataong ito tila may amats ako.
Lango sa isang shot ng markang demonyo.

Mapaglaro ang tadhana, nananadyang ikaw ay iligaw.
di makuha ang daan kahit damit baligtarin, kaya nagkusa ng ito’y hubarin.

Kumaliwa ako sa detour, sabay kabig sa menor.
Matigas ang pagkakakabig ko sa kambyo, sarap iayuda sa segunda.

Hindi nauulanan ang bahaging iyon, ngunit may bakas ng hamog.
Makipot ang baybayin pero hindi kahalintulad ng ilang.
Sariwang sariwa ang amoy ng kampupot.

Nanginginig sa takot, ngunit handang sumugal sa pagkabig sa hangaring kaylapot.
naligaw na ng tuluyan, walang nagawa kundi magpabalik balik.
Di magkandatuto ang pakadyot kadyot kong de motor...

hanggang sa narurok ang ikatuktok.

At doon ko napagtanto, mali ang pagkabasa sa road sign ko.
Kasunod ng pagtaas baba ng aking nguso.

Hindi ko napansin ito. Noobs pa pala aq,

“Dead End, No Way Out”



"Kung iyong sasalsalin ang balikong mithiin, pagnanasang itim mariing mariin nanamnamin" -Ma Mertong Buskador

Saturday, December 12, 2009

Bendisyon

Nangangalit ang haring araw ng tanghaling iyon.
paligid ng mundo’y nagtitiis sa hapdi mula sa singaw ng asupre.

Bendita Agua

Naglunoy ang hunghang sa hamog ng basang kampupot.
di nakuha sa pag-iling sa atungal ng asong buang.
usal mula sa kanya tanging nangawa. nag-aasam na may himala.

Di magkamayaw ang demonyong tungaw sa ligayang dulot ay hinagpis.

Tuloy sa pag-bagsak ang kristal na tubig mula sa isipang ligaw.
dahan dahang nilulumot dahil sa sandaliang pag-titimpisaw.
Piglas ng pagtutol sa init ng bawat haplit,
di magkamayaw sa sandosenang samu’t saring ligayang bigay.


Sagad na unday ng nag-aagaw hiningang manhid,
naibsan sa isang ulos ng pagsamong ito'y masambulat .
At sa ilang pag-indayog hindi na nagawang maudlot,

Sa oras ding iyon saka nya napagtanto..
Hikbi ang ibig sabihin ng sanlibong pagsisisi
hagulhol ng pagsusumamong hininga’y mapawi,

At tila nag-iisip kung siya pa ba ang dapat usalan niya.
kitlin ang regalong bigay ng ipinangako.

At ang bagong siya naman..
Gumon sa biyayang handog ng nagkanulo.
pawisang nakangisi . Anino’y may sungay at buntot ng katunggali…

Ito ang bendisyon, ang alpha at omega ng sansinukuban.

"Muling nagbalik sa katahimikan ang pagal na dibdib, at muling lulusong sa dagat-dagatang apoy upang ito'y maglunoy. Kasunod ng pananahimik upang hininga'y kanyang matipid. Sa pag-unday ng balik-pasakit siya na naman ang tinuring na mabalasik. pweh! katas ng likidong pinalapot ng pagnanasa." -Kwento mula sa Sansinukob.

Friday, December 11, 2009

She's my chamelion girl.


My life seems so empty and boring b4 she came…days pass by and i dont even care what comes next…all that matters to me was i am alive..that’s me before…wala namang kwenta sa akin ang life ko after all the mistakes that i have committed. So inabuso ko ang aking kawalang malay at ligaw sa alituntunin ng buhay, astig ang salitang FRAT. Matunog sa tainga at for sure in ka. fraternity sabi nila lalaki mundo mo if you are one of them.. yes. Lumaki nga if nasa loob ka ng campus, pero pag-uwian na para kang nasa loob ng posporo na sa anumang oras maari ka ng magliyab.… kapatiran? Marahil pero parang “wala lang”…. (mawalang galang na po)

then out of no where..para na lang syang bulang lumitaw sa buhay ko without me expecting her to give much attention to me, isa lang akong komikero noong highschool, during that time langaw lang sumeseryoso sakin, I am nothing, a wanna be ika nga.. all i have is the word “ nothing “ , but since then life begun to gather all the missing colors and pieces again…with her blissful heart and soothing words..i learned to live my life in normal way once more…. And my fairytale all started in just one ring.. sinagot niya phone, then next… sinagot niya na ako!

She was not an angel for me because i believe more in fairies marahil in disguise, who leads me to find laughter and fulfillments in every simple way.. She thought me some simple lessons about life and love that will never be neglected nor forget by me….now i am more satisfied to have her …in my life…as my bestfriend, and most of all…my girl.. my angel (try ko narin kabiliban) as if their real. She's my chameleon girl.

Almost perfect, pero sabi nga nila kulang lang sa labog. “practice makes perfect” so konting adjustments mejo ilag sa girls, ilag sa barkada, focus ang time para sa paghulma.. pero sabi nga ulit nila “everybody is not perfect, so why practice?? “.. leche, napurnada ang magandang fairytale istorya.. ang mga asungot na hanging selos, at padabog na hinala aaligid aligid na tila demonyong likaw ang bituka na nag-uumalpas para mambiktima ng mga pusong wagas, Sa gayong akin umaasa parin ako na “ang binatang sakdal kisig parin ay ending “happily ever after” ..sapagkat alam ko kilala mo na ko at unti unti mo pang nakikilala ng lubusan…u know my weakness,my negative/bad sides…my flaws and everything..but still u never give up on me…i love u so much! Sana hanggang wakas parang pelikula.. pero wag na natin gayahin buhay ng mga artista. 3Years. Mahirap ng balewalain un. So pano? Bati na tayo? Ilipat mo na sa kabilang pahina…. ~bhechoi

Thursday, December 10, 2009

It's HE whose inside of me


It's he whose inside of me.. I presume the other me.

Shadow cast.. trembling. fear of something i can't even define.

Monster within my mind

I am so blissful when i met her,god knows how much i love her.. I find nirvana as if i live in fantasy,but that was when i lived in my illusion. Things changes right now,and i can’t figure it out. I ask myself why?? but i replied blank. is it me or the monster i created within. damn fool life i stuck in a mess where i can’t clean it up.. what should i do? it really KILLS ME.. i seek for help but no one tries to hear me. My mind feels shattered. unpredictable, am i insane??. I love her so much as i loved myself… god knows how much i love her but every time i sees her with the smile in her face looking to someone else it kills me.. and it really hurts… now i started to hate those guys around her.. the monster inside me slowly breath.. I feel it… and it is real.. it started to crawl deep within mind… whispering, forceful of dark thoughts. it paints clear dark and vivid nightmares… i love her and i will always will… my resentful grows deeper and deeper… I have doubts if it's my fault or the one whose i posses.. the other me or the monster within… is it too late to cope up in this affection? or is it too late to saved me..

I want to be home, i can’t wait to see your smile, i just wait to fall asleep the monster inside me… please wait…..

KSP


Matamlay ang buong paligid
Walang taong liligid ligid
Wala man lang makaniig
Ni walang gustong makinig
Kahit mga engkantong ligaw
Walang lakas ng loob humiyaw

Sa isang banda ng lupang liblib
Dalita’y nakalugmok, hinanakit tinitigib
Puso’t isipan nag-huhumindig
Nagtatanong itong isip
Bakit ganon, walang nagnais sumilip
Ni isang hininga walang lumapit
Sa matanglaw na hikbi ng paslit

Bakit ganon, bakit ganito
Tuloy tuloy pa rin pag-inog ng mundo
Wala man lang magbigay pansin
Sa kalyeng madilim
Kung saan ang mga kaluluwa’y taimtim na nananalangin

Sana sa muling pag-ikot ng mundo
Haring araw sila’y masulyapan mo
At sana sa muling paghikbi ng batang paslit
Ito naman ang iyong marinig
Huwag nating hayaang katawa’y maging manhid
Tibok ng puso, intindihin ang nais ipabatid

Withdrawal Syndrome


Sa isang sulok puno ng alikabok
Damdamin nag-iinit at nagngingitngit
Nakayuko’t sabukot ang buhok
Maraming iniisip ngunit walang maalala
Nag-huhumiyaw buong sistema’y sindak
Mula sa bangungot ng munting ala-ala

Maalinsangan ang buong paligid
Mistulang lungga ng damuhong daga
Hindi matahinik katawang nanlilimahid
Tila walang pakialam sa buong daigdig
Pag-katao’y nilamon ng utak na manhid
Bulong ng halimaw pilit nag-uusig

Ibat-ibang tinig waring bumubulong
Pilit tinatakasan ang multong taga-usig
Katawa’y nagawang maghimagsik
Hanggang sa gumuho ang daigdig
Sanhi ng mga halimaw na tulig
Isipa’t sistema’y bumigay sa problemang kipkip

Sa gilid ng lumang kama
Nakayuko’t sabukot ang buhok
Isang basong likido pilit nilunok
Sistemang sindak tuluyang bumagsak
Bangungot ng munting ala-ala
Sa gilid ng lumang kama ay payapang payapa na…

Litanya ng Isang Saling Pusa


Maalinsangan ang hangin
Parang patay na walang saysay
Halos di gumalaw sa pwestong bato
Matamlay, parang paligid na walang kulay
Sinubukan kong mag-ingay
Makisali sa takbo ng buhay
Ngunit walang tinig akong naririnig
Biglang napipi ang buong daigdig
Gusto kong makigulo pero tila ako’y naparalisado
Wala akong nagawa
Kundi umupo at manood
Sa istoryang walang simula
Na para bang wala kang mahihita
Nakababagot, para kong naging tuod
Hirap makisakay at di makasabay
Sa biyahe ng buhay
Wala man lang umaalalay
Halos hindi makaugalapay
Tila ibang eksena ng mundo
Itong paligid na ginagalawan ko
Puso’t isipan hindi maintindihan
Unti-unting nagugulumihan
Ako ba’y tao na nilikha para sa mundo
O isang saling pusa na nag-hahanap ng kalinga
Ngunit sadya nga yatang ganyan
Magulo’t nakalilito ang buhay
Minsan mas nanaisin mo pang maging daga
Madalas nag-kukumpol sa iisang lungga
Ninais kong maging langaw
Pagka’t laging may kasalo sa isang handa
Ngunit ang mga pangarap na ito
Ay ipinagkait sa akin ng mundo
Sadya nga yatang madamot ang mundo
Minsan sa landas na iyong binabaybay
Tanging anino mo lang ang iyong nakakasabay…

Hinagpis sa Takipsilim


Gabi,y tila kay dilim
maaliwalas na kalangitan
kay bilis naging itim
ang mga bituin bitin na bitin

ang bilugang buwan
sinagpang ng itim na ulap
at biglang bumagsak ang nangangalit na ulan
kasabay bumagsak ang mga pangarap

tinatagong init ng lupang tigang
biglang naibsan at naparam
sa ilang iglap lang namasa ang tigang
sa wakas nalasap din ang inaasam

sa sobrang sarap umusbong ang bulaklak
habang ang buwan nakadungaw sa itim na ulap
sa gigil ng ulan natangay ng galak
di nakapagpigil unos ang pinalasap

sa lakas ng unos nalanta ang rosas
nagalit ang lupa pinigil ang tuwa
unos ay nagitla di makapaniwala
bumulwak ang burak nalabo ang baha

sa trahedyang naganap nanginig ang lupa
nagsumbong ang buwan sa dakilang lumikha
umungol ang kulog nagwala ang kidlat
sa isang iglap naganap ang lahat