paligid ng mundo’y nagtitiis sa hapdi mula sa singaw ng asupre.
Bendita Agua
Naglunoy ang hunghang sa hamog ng basang kampupot.
di nakuha sa pag-iling sa atungal ng asong buang.
usal mula sa kanya tanging nangawa. nag-aasam na may himala.
Di magkamayaw ang demonyong tungaw sa ligayang dulot ay hinagpis.
Tuloy sa pag-bagsak ang kristal na tubig mula sa isipang ligaw.
dahan dahang nilulumot dahil sa sandaliang pag-titimpisaw.
Piglas ng pagtutol sa init ng bawat haplit,
di magkamayaw sa sandosenang samu’t saring ligayang bigay.
Sagad na unday ng nag-aagaw hiningang manhid,
naibsan sa isang ulos ng pagsamong ito'y masambulat .
At sa ilang pag-indayog hindi na nagawang maudlot,
Sa oras ding iyon saka nya napagtanto..
Hikbi ang ibig sabihin ng sanlibong pagsisisi
hagulhol ng pagsusumamong hininga’y mapawi,
At tila nag-iisip kung siya pa ba ang dapat usalan niya.
kitlin ang regalong bigay ng ipinangako.
At ang bagong siya naman..
Gumon sa biyayang handog ng nagkanulo.
pawisang nakangisi . Anino’y may sungay at buntot ng katunggali…
Ito ang bendisyon, ang alpha at omega ng sansinukuban.

"Muling nagbalik sa katahimikan ang pagal na dibdib, at muling lulusong sa dagat-dagatang apoy upang ito'y maglunoy. Kasunod ng pananahimik upang hininga'y kanyang matipid. Sa pag-unday ng balik-pasakit siya na naman ang tinuring na mabalasik. pweh! katas ng likidong pinalapot ng pagnanasa." -Kwento mula sa Sansinukob.
No comments:
Post a Comment