Thursday, December 10, 2009

KSP


Matamlay ang buong paligid
Walang taong liligid ligid
Wala man lang makaniig
Ni walang gustong makinig
Kahit mga engkantong ligaw
Walang lakas ng loob humiyaw

Sa isang banda ng lupang liblib
Dalita’y nakalugmok, hinanakit tinitigib
Puso’t isipan nag-huhumindig
Nagtatanong itong isip
Bakit ganon, walang nagnais sumilip
Ni isang hininga walang lumapit
Sa matanglaw na hikbi ng paslit

Bakit ganon, bakit ganito
Tuloy tuloy pa rin pag-inog ng mundo
Wala man lang magbigay pansin
Sa kalyeng madilim
Kung saan ang mga kaluluwa’y taimtim na nananalangin

Sana sa muling pag-ikot ng mundo
Haring araw sila’y masulyapan mo
At sana sa muling paghikbi ng batang paslit
Ito naman ang iyong marinig
Huwag nating hayaang katawa’y maging manhid
Tibok ng puso, intindihin ang nais ipabatid

No comments:

Post a Comment