Masukal ang bahaging iyon ngunit mantakin ko mang isipin, talagang kay sarap bagtasin.
Di iilang ulit ko nang tinahak ang baybaying ganoon.
Ngunit sa pagkakataong ito tila may amats ako.
Lango sa isang shot ng markang demonyo.
Mapaglaro ang tadhana, nananadyang ikaw ay iligaw.
di makuha ang daan kahit damit baligtarin, kaya nagkusa ng ito’y hubarin.
Kumaliwa ako sa detour, sabay kabig sa menor.
Matigas ang pagkakakabig ko sa kambyo, sarap iayuda sa segunda.
Hindi nauulanan ang bahaging iyon, ngunit may bakas ng hamog.
Makipot ang baybayin pero hindi kahalintulad ng ilang.
Sariwang sariwa ang amoy ng kampupot.
Nanginginig sa takot, ngunit handang sumugal sa pagkabig sa hangaring kaylapot.
naligaw na ng tuluyan, walang nagawa kundi magpabalik balik.
Di magkandatuto ang pakadyot kadyot kong de motor...
hanggang sa narurok ang ikatuktok.
At doon ko napagtanto, mali ang pagkabasa sa road sign ko.
Kasunod ng pagtaas baba ng aking nguso.
Hindi ko napansin ito. Noobs pa pala aq,
“Dead End, No Way Out”
"Kung iyong sasalsalin ang balikong mithiin, pagnanasang itim mariing mariin nanamnamin" -Ma Mertong Buskador
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment